KASAYSAYAN


    Ang Barangay Pawa o Barangay 44 ay may mayamang kasaysayan.
Bago ang pananakop ng mga kastila sa Pilipinas, ito ay mas kilala sa pangalang "Barrio Burabod".
Ang Burabod (spring in english) ay isang bukal na tubig. Pinaniniwalan na ang barangay na ito ay
sagana sa mga bukal na siyang pinagkukunan ng mga patubig sa matabang sakahan, palayan, taniman
at malinis na inumin ng mga tao. Sa kaslukuyan, meron pang isang sitio na kung tawagin ay Sitio
Burabod.
   Ayon sa mga matatandang naninirahan dito, may isang heneral na nagngangalang
Jose Joaquin Paua na dumating sa kanlurang bahagi ng Mayon. Siya ay isang heneral na Intsik
at ang natatanging hindi Pilipinong sumapi sa Biyak na Bato sa ilalim ng pamumuno ni Heneral
Emilio Aguinaldo. Siya ay naatasan na pamunuan ang komandansya at ipagtanggol ang Legazpi
sa mga Kastila.
   Nang dumating ang mga mababangis na kawal ng mga kastila upang makipaglaban,
ang Ligņon Hill ang siyang kanilang takbuhan at kublian laban sa mga kaaway. Inakyat nila ito
upang doon magtago sapagkat kanilang napagtanto na mahihirapan silang mahanap ng mga ito.
Kinalaunan nagapi at naglaho ang mga kalaban.Bumaba sila sa burol at naglakad pakanluran.
Tumawid sa ilog ng Yawa hanggang makarating sa isang lugar na hindi nila alam.
 nbsp; Tinanong nila ang mga tao naninirahan doon kung ano ang pangalan ng lugar.
"Buarabod" ang sagot nila. Si Heneral Paua ay nagtaka kung bakit burabod ang tawag doon.
Nagpaliwanag ang mga tao na maraming sapa o pinagmumulan ng tubig na ang tawag ay burabod.
   Tumigil at nakipamuhay sila doon ng ilang mga araw. Tinuruan nila ang mga
tao humawak ng mga armas, at pagsasaka para magkaroon ng magandang ani. Dahil dito ay
nagustuhan ng mga tao ang Heneral at ang mga kasama nito.
   Nilisan ng heneral ang lugar. Ang mga tao ay nagpasyang isunod ang pangalan
ng lugar sa heneral upang maipakita ang taos pusong pasasalamat na ibinigay ng heneral at
ng grupo nito sa kanila. Sa paglipas ng panahon, naiba ang pagbaybay ng pangalang Paua sa
Pawa. Ang Pawa ay naging barangay sa bisa ng RA No. 3590.
   Sa pagpapatunay na ang mga Legazpeņo ay lubusang minahal at iginalang
dito, ipinagpatayo si Heneral Paua ng estatwa na matatagpuan sa Banadero, Legazpi City,
noong 1996.


Back