High School

Ang Pagasa National High School Pawa Extension ay para sa magaaral ng high
school ng pawa at karatig barangay. Ito ay may mga magaaral na nasa antas na
1st year hanggang 3rd year lamang. Sa Lungsod ng legazpi nag-aaral
ang may mga kayang mag-aral sa kolehiyo,tulad ng Bicol University,Aquinas
University atbp. Ang Pawa High School ay gumagamit ng 6 na classroom
lamang,isang faculty room at opisina at isang maliit na library kung
saan ang mga estudyante ay maaaring magresearch at mag-aaral.

Subalit ang mga hikahos na mga pamilya ay hindi na pinag-aaral
sa kolehiyo ang mga kabataan pakatapos ng high school. Kayat marami
din ang mga out-of-school youth. Ang iba ay nagtatrabaho na lamang
upang makatulong sa pamilya at makaraos sa buhay.

Marami na ang mga matagumpay na alumni ng Pawa Elementary School.
Hindi hadlang ang kahirapan o kakulangan sa kabuhayan para magtagumpay.